Home

Thursday, March 25, 2010

Anawangin Cove... libreng beach*


Boracay & Baguio in one

Sikat na sikat na ang Anawangin Cove sa mga beach lovers, mountaineers o maging sa mga ordinaryong tao tulad ko. Oo, sapagkat bukod sa mala-Boracay ang beach nito dahil sa white sand, meron pang mga bundok na pwedeng akyatin at marami ding pine trees na nagbibigay lilim sa camp site. Kaya naman talagang it’s a haven for relaxation, away from the madding crowd in the metro!

At eto pa, dito shinoot ang And I Love You So na movie nina Bea Alonzo, Sam Milby at Derek Ramsay na showing na sa mga sinehan.

Introducing the heart-shaped Anawangin Cove

Nagpunta ako dito noong February at talaga namang it was a trip to remember. Pristine white sand beach, back-to-basics life, boat ride, camping, trekking, candle-lit dinner at photo shoot to the max dahil sa napakagandang tanawin. Higit sa lahat, libre lang dito! (P100 pesos maintenance fee lang ang ibibigay mo kay Kuya). Kaya san ka pa tara na, ating tuklasin ang Anawangin!

 Welcome to Anawangin!

Ang Anawangin Cove ay makikita sa San Antonio, Zambales. Dalawang paraan lamang para makapunta dito: 20-30 minute boat ride galing Pundaquit o kaya’y anim na oras na trekking sa Pundaquit range. Hindi pa commercialized ang Anawangin kaya naman natural beauty talaga ang aabutan mo. Wala ding mga tindahan dito kaya walang polusyon. Siyempre ibig sabihin niyan, magbabaon ka ng pagkain niyo.

Wala ring mga hotel dito kaya happy camping talaga. Back to basics, walang kuryente kaya siguraduhing naka-full charge ang camera niyo. Ang cellphone mo naman ay magkakaroon ng ibang role, either magiging camera o kaya radyo siya sa buong stay niyo sa island. Yup, kasi walang signal dito.

We enjoyed trekking in a mountain with completely no trail to follow! Took advantage of the view down there...

Tandaan mga friends, ito ang mga essential na kailangan kung pupunta ka dito: Drinking water, enough food, flashlight or candle, tent, swimwear at siyempre camera! Kung medyo maselan ka, pwede ring magdala ng mga sumusunod: Off lotion (pero hindi naman malamok), sun block, utensils at gamit sa pagluluto (pero ok na ang canned goods, bread at iba pang hand-food), at emergency light.

Paano pumunta: Sumakay ng Victory Liner bus papuntang Iba o Sta. Cruz, Zambales. Pwede ring hanggang Olongapo. Kung biyaheng Sta. Cruz ang nasakyan mo, baba ka sa sentro ng bayan ng San Antonio. Kung hanggang Olongapo naman ang nasakyan mo galing Manila, sakay ka ulit ng bus mula Olongapo na may biyaheng Sta. Cruz. Pababa ka rin sa San Antonio. May mga tricycle dito, magpahatid ka hanggang Pundaquit. Dito, marami kang makikilalang may-ari ng bangka. Magpahatid kasama ang iyong mga katropa sa Anawangin. Kung gusto mo namang makausap ang isang boat man bago ka pa pumunta, text mo lang ako. Ipapakilala ko sayo si Kuya Ariel, ang naghatid sa amin.

Ayan nasa Anawangin ka na! Isang mahalagang tip lang, mas magandang pumunta dito kapag tag-init (ibig sabihin hindi umuulan) para mas enjoy! Ayan, punta na sa one of the best beaches sa bansa. To simply describe Anawangin, it’s Boracay and Baguio in one.

Happy campers enjoying their stay in this wonderful place ^_^

1 comment:

  1. Ellow..... cge po try ko n rin pumunta this april,2011.tnx for the info... and i'm so excited...!catt

    ReplyDelete